Showing posts with label Kasambahay Bill. Show all posts
Showing posts with label Kasambahay Bill. Show all posts

Tuesday, August 18, 2009

Solon: Probe maid’s abuse!

Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada yesterday urged the Philippine National Police (PNP) to conduct a thorough investigation of a case involving a wealthy businessman whose family allegedly abused their maid in Quezon City.

Estrada said the PNP should look into this case closely because people are watching and monitoring this issue since the Kasambahay Bill (Household Bill) is still pending in Congress.

“Dapat mag-imbestigang mabuti ang PNP dahil helpless an gating mga kasambahay. Wala silang inaasahan kundi ang ating mga awtoridad,” the senator said.

Estrada authored the Kasambahay Bill which aims to give protection to the so-called “bayani ng tahanan.”

As this developed, Estrada urged the Lower House to expedite the passage of the bill to provide a mantle of protection to the kasambahay.

It will be recalled that the parents of Mary Jane Sollano, 18, a housemaid who was recently rescued by the Commission on Human Rights from the home of her abusive employers, will allegedly file complaints against Mariano Tanenglian and family for allegedly detaining and maltreating her.

Mary Jane has been a housemaid of the Tanenglians since she was 13 years old, according to her lawyer, Atty. Anna Marie Trinidad. Tanenglian is the younger brother of business tycoon Lucio Tan.

Apart from Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile also vowed to personally monitor the Tanenglian case in a bid to give protection to the helpless victim. Like Estrada, Enrile has authored a similar Kasambahay Bill.

Source:
People’s Tonight
August 17, 2009
Page 6

Saturday, August 15, 2009

Inaping kasambahay sisilipin ng Senado

Nababahala na rin ang Senado sa tumataas na bilang ng mga inaaping kasambahay sa bansa, particular na ang pinakahuling report na mahigit limang taong pagmaltrato umano ng isang maimpluwensiyang negosyante sa 18-anyos na dalaga.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat tuluyan nang magkaroon ng batas na magiging sandigan ng mga pobreng kasambahay sa bansa.

Dapat din umanong malaman kung bakit may mga among nakukuhang manakit ng kanilang kasambahay na marapat lamang itinuring na bahagi ng bawat pamilya sa isang tahanan.

Mismong si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang nanawagan sa pamunuan ng Philippine National Police na tutukang mabuti ang kasong isasampa laban sa pamilya ng negosyanteng si Mariano Tanenglian base na rin sa sumbong ng kasambahay na si Mary Jane Sollano.

“Dapat mag-imbestigang mabuti ang PNP dahil helpless ang ating mga kasambahay. Wala silang inaasahan kundi ang ating mga awtoridad,” anang batang senador.

Muli, nanawagan si Estrada sa Kongreso na madaliin ang pag-aapruba ng Kasambahay Bill upang magkaroon na ng sandigan ang mga kasambahay sa bansa.

Si Sollano ay nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at PNP mula sa tahanan ng amo nito sa Quezon City.

Partikular na umano’y ipaghaharap ng sakdal ang asawa ng negosyanteng si Aleta at dalawang anak nito na umano’y trumato sa kanya na masahol pa sa hayop nang manilbihan siya bilang kasambahay ng mga Tanenglian.

Nabatid na nagging kasambahay ng mga Tanenglian si Sollano noong 13-anyos pa lamang siya, ayon sa abogado nitong si Atty. Anna Marie Trinidad. Si Tangelian ay nakababatang kapatid ng business tycoon na si Lucio Tan.

Source:
Police Files
Agosto 14, 2009
Page 2

Pang-aapi ng Tsinoy na amo nakaalarma

Naalarma na rin ang Senado sa tuamtaas na bilang ng mga maiimpluwensiyang negosyante sa bansa makaraang maiulat ang limang taong pagmamaltrato ng among Tsinoy sa 18 anyos na kasambahay.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat tuluyan nang magkaroon ng batas na magiging sandigan ng mga pobreng kasambahay sa bansa.

Dapat din umanong malaman kung bakit may mga among nakukuhang manakit ng kanilang kasambahay na marapat lang na ituring na bahagi ng bawat pamilya sa isang tahanan.

Matatandaan na mismong si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang nanawagan sa pamunuan ng Philippine National Police na tutukang mabuti ang kasong isasampa laban sa pamilya ng negosyanteng si Mariano Tanenglian base na rin sa sumbong ng kasambahay na si Mary Jane Sollano.

Si Estrada ang may akda ng Kasambahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na proteksiyon ang mga tinaguriang ‘bayani ng tahanan.’

Source:
Remate
Agosto 14, 2009
Page 5

Inaaping kasambahay dumarami

Nangangamba ngayon ang Senado sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga inaaping kasambahay sa bansa, particular na ang ginawang pagmamaltrato sa isang 18-anyos na dalaga ng among negosyante ditto.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kinakailangan na magkaroon ng batas na masasandalan ang mga kasambahay na inaapi ng kanilang mga amo. Dapat din aniyang alamin kung ano ang dahilan bakit nakakapanakit ang mga ito gayung marapat lang na ituring na bahagi ng pamilya ang mga kasambahay.

Magugunita na nanawagan na rin si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa Philippine National Police na bantayan ang kasong isasampa laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian dahil sa sumbong ng kasambahay ng mga ito na si Mary Jane Sollano.

Si Estrada ang pangunahing author ng Kasambahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na proteksyon ang mga tinaguriang ‘bayani ng tahanan, kaya naman nanawagan ito sa Kongreso na agad aprubahan ang naturang batas.

Una ng nasagip si Sollano ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at PNP mula sa tahanan ng amo nito sa Quezon City kung saan inireklamo ang asawa ni Tanenglian na si Aleta at dalawang anak dahil sa umano’y matinding pagmamaltrato ng mga ito. Si Sollano ay 13-anyos lang ng maging kasambahay ng nasabing pamilya.

Source:
Bansa Ngayon
Pilipino Star Ngayon
Agosto 14, 2009
Page2

Friday, August 14, 2009

Jinggoy asks police to conduct thorough investigation into maid’s maltreatment

The Philippine National Police (PNP) should keep a tight watch on the developments of the alleged maltreatment of the househelp of the brother of business tycoon Lucio Tan.

Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada made the call yesterday even as he urged the police to conduct a thorough probe into the alleged maltreatment of the househelp rescued last Monday by elements of the Commission on Human Rights (CHR) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD) supposedly committed by businessman Mariano Tanenglian.

“They should handle the case well because these househelps are helpless, they have nowhere to go to, they can only rely on the authorities in performing their mandate,” he said.

The senator, who happens to be the author of the Kasambahay Bill, took the opportunity to call on counterparts from the lower house to act on the pending measure in order to help address similar cases in the future.

The Kasambahay Bill aims to give protection to the so-called “bayani ng tahanan” (heroes of the home).

Estrada urged the lower house to expedite the passage of the bill to provide a mantle of protection to the househelp.

The parents of victim Mary Jane Sollano, 18, who was recently rescued by authorities from the residence of her supposed abusive employer, are now set to file complaints against Tanenglian and family for allegedly detaining and maltreating her.

Reports said Sollano has been a house maid for the Tanenglians since she was 13 years old.

Apart from Senator Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile also vowed to personally monitor the Tanenglian case in a bid to give protection to the hapless victim. Like Estrada, Enrile has authored a similar Kasambahay Bill.

Source:
Angie M. Rosales
The Daily Tribune
August 13, 2009

Negosyanteng inireklamo sa pagmamaltrato ng kasambahay pinatututukan sa PNP

Pinatutukan ni Sen. Jinggoy Estrada sa liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kasong isinampa laban sa maimpluwensiyang nagmaltrato ng katulong o kasambahay sa Quezon City.

Ayon kay Estrada, chairnan ng Senate committee on labor and employment, dapat imbestigahang mabuti ng PNP ang reklamong pangmamaltrato ng negosyanteng si Mariano Tanenglian.

Si Mary Jane Sollano ay nailigtas sa kamay ng pamilya Tanenglian sa joint operation ng PNP, Commission on Human Rights, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagbantang kakasuhan ni Sollano ang pamilya ni Tanenglian, kabilang ang reklamong pinagmalupitan at minaltrato ito ng kanyang amo sa mahigit limang taong paninilbihan.

Sa report, naging kasambahay ng pamilya Tanenglian si Sollano noong 13-anyos pa lamang ito, ayon kay Atty. Anna Marie Trinidad, abogado ng katulong.

Ayon kay Estrada, nakatutok ang taong bayan sa umano’y pagmamaltrato ng negosyante lalo pa’t nakabinbin sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Kasambahay Bill na magbibigay-proteksyon sa mga kasambahay o domestic helpers.

“Dapat mag-imbestigang mabuti ang PNP dahil helpless an gating mga kasambahay. Wala silang inaasahan kundi ang ating mga awtoridad,” ani Estrada, principal sponsor ng Kasambahay Bill.

Kinalampag ni Estrada ang mga alipores ni House Speaker Prospero Nograles, Jr., na madaliin ang pag-aapruba sa Kasambahay Bill upang magkaroon ng sandigan ang mga kasambahay o domestic helpers.

Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay nangakong personal na tutukan ang kaso ng katulong dahil malinaw anyang paglabag ito sa inisponsorang Kasambahay Bill.

Source:
Abante Tonite
Agosto 13, 2009
Page 3