Saturday, August 15, 2009

Inaaping kasambahay dumarami

Nangangamba ngayon ang Senado sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga inaaping kasambahay sa bansa, particular na ang ginawang pagmamaltrato sa isang 18-anyos na dalaga ng among negosyante ditto.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kinakailangan na magkaroon ng batas na masasandalan ang mga kasambahay na inaapi ng kanilang mga amo. Dapat din aniyang alamin kung ano ang dahilan bakit nakakapanakit ang mga ito gayung marapat lang na ituring na bahagi ng pamilya ang mga kasambahay.

Magugunita na nanawagan na rin si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa Philippine National Police na bantayan ang kasong isasampa laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian dahil sa sumbong ng kasambahay ng mga ito na si Mary Jane Sollano.

Si Estrada ang pangunahing author ng Kasambahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na proteksyon ang mga tinaguriang ‘bayani ng tahanan, kaya naman nanawagan ito sa Kongreso na agad aprubahan ang naturang batas.

Una ng nasagip si Sollano ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at PNP mula sa tahanan ng amo nito sa Quezon City kung saan inireklamo ang asawa ni Tanenglian na si Aleta at dalawang anak dahil sa umano’y matinding pagmamaltrato ng mga ito. Si Sollano ay 13-anyos lang ng maging kasambahay ng nasabing pamilya.

Source:
Bansa Ngayon
Pilipino Star Ngayon
Agosto 14, 2009
Page2

0 comments:

Post a Comment