Saturday, August 29, 2009

Utol ni Lucio Tan, 2 pa kinasuhan

Sinampahan kahapon ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ni business tycoon Lucio Tan at pamilya nito dahil sa pagmamaltrato sa katulong nila.

Personal na nagtungo sa DOJ ang biktimang si Beth (hindi tunay na pangalan), 18, upang sampahan ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery and frustrated homicide ang kapatid ni Tan na si Mariano Tanenlian, asawa nitong si Aleta, mga anak na si Maximillian at Fayette Tanenglian na pawing mga residente ng No. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts. Brgy. Siena, Quezon City.

Base sa reklamo ng biktima nagsimula siyang manilbihan sa pamilya Tanenglian noong June 2004 ng siya ay 13-taong gulang pa lamang kung saan kaagad umano siyang tinuruan ng gawaing bahay ni Alete at Fayette.

Kaagad din umano siyang pinagsabihan nina Aleta, Fayette, Mariano at Marvin na bawal siyang gumamit ng telepono, cellphone, bawal din makipag-usap sa kasama, bawal tumawa, bawal umupo sa upuan nila, bawal sumilip sa bintana, bawal manood ng TV, bawal kumain sa kahit anong oras, bawal matulog at magpahinga kapag hindi tapos ang mga trabaho, bawal magbasa ng kahit ano at bawal magsulat.

Subalit dahil sa hindi pa umano kabisado ang trabaho sa bahay ay bigla na lamang nagagalit sa biktima si Aleta at sinampal ito sa mukha ng maraming beses at simula umano nito ay bigla na lamang siyang sinasaktan nito sa kaunting pagkakamali at inuuntog sa pader ang ulo nito, tinatadyakan sa katawan at minsan ay sinasakal pa umano.

Dahil dito kaya’t sinubukan umano ng biktima na magpaalam na uuwi na sa kanilang bahay subalit hindi umano ito pinayangan ng pamilya Tanenglian hanggang hindi pa natatapos ang kontrata nito at pinagbintangan pa ito na mayroong utang.

Source:
Police Files
Agosto 28, 2009
Page 2

0 comments:

Post a Comment