Nagsampa ng pormal na reklamo ang dalawang kasambahay na umano’y nakatakas sa kamay ng kapatid ng business tycoon na si Lucio Tan na minaltrato sa loob ng limang taon sa Quezon City.
Sinamahan ng kanilang abogado na si Al Parreno, na magtungo sa Quezon City Police District (QCPD) ang dalawng katulong na sina Mary Jane Sollano, 18, at Aljane Bacanto, 16, para ipagharap ng kasong physical injuries at illegal detention si Mariano Tanenglian.
Sinabi ni Parreno na sa loob ng limang taon na pagtatrabaho sa pamilya Tanenglian, hindi umano pinapayagan ang mga katulong na lumabas ng bahay.
May insidente pa na sinasaktan ng asawa ni Tanenglian na si Aleta at dalawang anak nito ang mga katulong.
Si Sollano ay nailigtas ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at operatiba ng QCPD Women’s Desk matapos na makatakas si Bacanto sa bahay ng kanyang amo s no. 30 Sto. Domingo kanto ng Dapitan Street, Barangay Biak na Bato noong Agosto 10.
Napag-alaman na pinapirma ang “rescue team” ng isang ‘waiver’ na hindi na maghain ng reklamo ang mga biktima laban sa mga Tanenglian.
Matapos ang pitong oras na negosasyon, pinakawalan si Sollano at binayaran ng P2,500 na sahod sa loob ng kanyang buong taong pananatili.
Dagdag pa ng abogado, sa ngayon isinasailalim pa rin ang mga biktima sa physical at psychological examination upang maging maayos ang kanilang pag-iisip bago harapin ang kasalukuyang problema.
Source:
Taliba
Agosto 21, 2009
Page 4
0 comments:
Post a Comment