Maging ang Senado ay nababahala sa paglobo ng bilang ng mga minamaltratong kasambahay sa bansa kasama na dito ang liamng taong pagmaltrato sa isang 18-anyos na dalaga ng isang maimpluwensiyang pamilya kamakailan.
Kaya’t sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile ay dapat tuluyan nang magkaroon ng batas na magiging sandigan ng mga kasambahay sa bansa.
Magugunita na mismong si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang nanawagan sa pamunuan ng Philippine National Police na tutukang mabuti ang kasong isasampa laban sa pamilya ng negosyanteng si Mariano Tanenglian base na rin sa sumbong ng kasambahay na si Mary Jane Sollano. Si Sollano ay nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at PNP mula sa tahanan ng amo nito sa Quezon City.
Partikular na umano’y ipaghaharap ng sakdal ang asawa ng negosyanteng si Aleta at dalawng anak nito na umano’y trumato sa kanya na masahol pa sa hayop nang manilbihan siya bilang kasambahay ng mga Tanenglian.
Source:
Police-Metro
Agosto 14, 2009
Page 2
0 comments:
Post a Comment