Pormal nang inihain sa Department of Justice (DOJ) ng 18-anyos na kasambahay ang patung-patong na kaso laban sa mga amo nito sa pangunguna ng negosyanteng si Mariano Tanenglian.
Maliban kay Tanenglian na kinasuhan ng maltreatment, slavery, serious illegal detention at frustrated homicide ay kasama din sa inireklamo ng biktimang si Mary Jane Sollano Dequit, tubong Zamboanga del Sur ang among babae na si Aleta at mga anak nitong sina Maximillian at Fayette, pawing residente ng No. 30 Biak na Bato cor. Dapitan St. Bgy. Siena, QC. Ang kaso ay pormal na inihain ni Maryjane sa tanggapan ni State Prosecutor Edna Valenzuela ng DOJ.
Ayon kay Atty. Al Parrenos, abogado ng biktima, 13-anyos pa lamang ang biktima nang mamasukan sa pamilya Tanenglian at mula noon ay minaltrato na ng mag-anak.
May insidente umano na dahil sa hindi pa kabisado ang trabaho sa bahay ay bigla na lamang nagagalit si Aleta at sinasaktan ang biktima. Bunga ng naranasang pagmamalupit ay sinubukan umano ng biktima na magpaalam na, subalit hindi siya pinayagan ng pamilya.
Ang kalbaryo ng biktima ay nawakasan lamang nang makatakas ang isang kapwa katulong na siyang nagsumbong sa ama ng biktima.
Source:
Abante Tonite
Agosto 29, 2009
Page 8

0 comments:
Post a Comment