Uusigin ng Department of Justice ang isang Tsinoy at pamilya nito makaraang sampahan ng kasong maltreatment, slavery, serious illegal detention at frustrated homicide ng 18-anyos na katulong nito.
Pinanumpaan na kahapon ng biktimang si Maryjane Sollano Dequit, 18, tubong Bigong Tigbao, Zamboanga del Sur ang reklamo sa tanggapan ni DOJ State Prosecutor Edna Valenzuela laban kina Mariano Tanenglian, kapatid ni Lucio Tan at pamilya nitong sina Aleta Tanenglian, Fayette Tanenglian, pawang residente ng 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts., Sto. Domingo Quezon City at ilang Jane at John Does.
Sinabi ni Atty. Al Parrenos, abogado ng biktima, na limang taon umanong minaltrato, pinahuhubad at hindi pinakakain ang biktima, sapul nang siya’y 13 anyos pa lang na namasukang katulong sa bahay ng mga respondent.
Natuldukan lang ang paghihirap ng biktima nang magsumbong ang isa sa kasamahang katulong sa mga magulang ng biktima na hindi siya pinalalabas, hindi pinagagamit ng telepono o cellphone, hindi pinapanood ng telebisyon o kahit makipag-ugnayan sa magulang, hindi pinakakain at naisasalba lang ang sarili sa pamamagitan ng ‘pagnanakaw niya (biktima) ng pagkain sa aso. Bukod pa ito sa paglapastangan sa katawan ng biktima na madalas pinagtatrabaho ng hubad.
Binawalan din ang biktima na ‘tumawa’, umupo sa upuan ng mga amo, sumilip sa bintana, magbasa at magsulat.
Naranasan niya din ang sakalin, tadyakan sa katawan, iuntog sa pader sa kaunting pagkakamali sa trabaho kahit walang sweldo.
Nang magpaalam ay hindi pinayagan bagkus ay pinilit na pumirma sa bagong kontrata bilang katulong.
Pinapasok ako nina Ate Aleta at Ate Fayette sa kwarto, pinahuhubad ako ng damit pag-itaas, shorts, bra, panty, tapos kinukuhanan nila ako ng picture,” ayon sa salaysay ng biktima sa salaysay.
Nang magnakaw ng pagkain ng amo ay nahuli umano siya at doon binuhusan ng mainit ang kamay at pati na rin ang pagtadyak sa katawan, sabunot, kinadena ang dalawang kamay patalikod at kinadena pati leeg.
Naging dahilan ito upang mai-rescue ang biktima sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, Commission on Human Rights at Laloma Police Station noong Agosto 10, 2009, dakong alas-11:30 ng umaga.
Plano ring sampahan ng iba pang kasong kriminal ang mga respondent matapos suhulan ng P150,000 nang siya ay irescue ng CHR at DSWD.
Hawak ni Atty. Parrenos ang ebidensyang tig P1-libo para sa paghahain ng panibagong kaso.
Source:
Remate
Agosto 28, 2009
Page 5
0 comments:
Post a Comment