Sinampahan ng mga kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ni business tycoon Lucio Tan at pamilya nito dahil sa umano’y pagmamaltrato sa kanilang katulong.
Ito’y makaraang personal na nagtungo sa DOJ upang sampahan ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery and frustrated homicide ang biktimang si Beth (hindi tunay na pangalan), 18-anyos upang ireklamo si Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta, mga anak na si Maximillian at Fayette Tanenglian na pawang mga residente ng No. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts., Brgy. Siena, Quezon City.
Batay sa reklamo ng biktima, nagsimula siyang manilbihan sa pamilya Tanenglian noong June 2004 ng siya ay 13-taong gulang pa lamang kung saan kaagad umano siyang tinuruan ng gawaing bahay ni Alete at Fayette.
Subalit kaagad din umano siyang pinagsabihan nina Aleta, Fayette, Mariano at Marvina na bawal siyang gumamit ng telepono, cellphone, bawal din makipag-usap sa kasama, bawal tumawa, bawal umupo sa upuan nila, bawal sumilip sa bintana, bawal manood ng TV, bawal kumain sa kahit anong oras, bawal matulog at magpahinga kapag hindi tapos ang mga trabaho, bawal magbasa ng kahit ano at bawal magsulat.
Subalit dahil sa hindi pa umano kabisado ang trabaho sa bahay ay bigla na lamang nagagalit sa biktima si Aleta at sinampal ito sa mukha ng maraming beses at simula umano nito ay bigla na lamang siyang sinasaktan nito sa kaunting pagkakamali at inuuntog sa pader ang ulo nito, tinatadyakan sa katawan at minsan ay sinasakal.
Dahil ditto kaya’t sinubukan umano ng biktima na magpaalam na uuwi na sa kanilang bahay subalit hindi umano ito pinayangan ng pamilya Tanenglian hanggang hindi pa natatapos ang kontrata nito at pinagbintangan pa ito na mayroong utang.
Bukod dito, kapag pinaglilinis pa umano ang biktima nila Fayette at Aleta sa kwarto ay pinaghuhubad ito ng damit habang kinukuhanan ng litrato, kasabay ng pagpalo ng bakal at tinatakot pa umano ito na ipapakita sa ibang tao ang picture at ipapasok siya sa night club.
Binubuhusan din umano ang biktima ng mainit na tubig at minsan umanong nahuli siya ni Marvin na kumukuha ng pagkain sa ref ay sinabunutan, tinadyakan at kinadena ang dalawang kamay at paa nito hanggang leeg.
Natapos lamang umano ang paghihirap ng biktima nang makatakas ang isang kasambahay ng pamilya Tanenglian na siyang nagsumbong sa ama nito na siya namang humingi ng tulong sa human rights at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Source:
Saksi sa Balita
Agosto 28, 2009
Page 2
0 comments:
Post a Comment