Saturday, August 29, 2009

Utol ni Lucio Tan at misis tatalupan sa DOJ

Nahaharap ngayon sa iba’t ibang kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ng Chinese tycoon na si Lucio Tan na si Mariano Tanenglian at misis ni Mariano na si Aleta.

Base sa rekomendasyon ng Quezon City Police District Children’s and Women’s Desk, mga kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery and frustrated homicide ang isinampa laban sa mag-asawang Tanenglian.

Bukod sa mag-asawa ay dawit din sa demanda ang dalawa nilang anak na sina Maximillian at Fayette.

Nakasaad sa salaysay ng bikitmang si Mary Jane na mula Hulyo 2009 hanggang Agosto 9, 2009 ang panahon ng kanyang paghihirap bilang katulong sa tahanan ng mga Tanenglian.

Ayon pa sa complainant, sa tuwing siya ay magkakamali palagi siyang sinasaktan ng kanyang mga amo.

Binanggit din ng complainant na minsan ay nagkamali siya at ang pinakagrabeng pinagawa sa kanya ay pinaghubad siya ng damit, bra at panty, kinuhanan ng litrato at hindi pa nakuntento ay pinagpapalo pa siya habang nakahubad nina Aleta at Fayette.

Sa loob raw ng 5-taon na paninilbihan niya sa mga Tanenglian ay hindi siya pinasuweldo.

Dagdag pa ng bikitma pinagbawalan siyang gumamit ng cellphone, telepono, makipag-usap sa mga kasamahan, manood ng TV, kumain, tumawa, sumilip sa bintana, bumasa at sumulat.

Dalawang taon daw ang kanyang kontrata subalit nang matapos ay muli siyang pinapirma sa isang papel na hindi niya alam ang nakasulat.

Ang bikitma ay naisalba ng mga kagawad ng CPD at Commission on Human Rights sa No. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts., Brgy. Siena, Quezon City.

Source:
Bagong Tiktik
Agosto 28, 2009
Page 2

0 comments:

Post a Comment