Thursday, August 13, 2009

Asunto sa Tsinoy na malupit sa maid

Isang negosyanteng Tsinoy at pamilya nito ang nakatakdang sampahan ng mga kasong criminal ng isa nilang katulong na tumakas dahil sa kalupitan umano ng mga ito.

Kinilala ni Mary Jane Sollano, 18, tubong Pagadian, Zamboanga del Sur ang mga among sina Mariano at Aleta Tanenglian at dalawang anak ng mga ito, na nakatira sa 30 Biak na Bato St., Sto Domingo, Quezon City.

Sinabi ni Atty. Melanie Trinidad na sasampahan nila ng illegal detention at pang-aabuso sina Tanglean at babalewalain nila ang pinapirma na waiver kay Sollano ng isang abogado ng mga Tanglean bago pinakawalan ito sa kamay ng rescue team.

Ipinaliwanag ni Sollano na sa loob ng limang taon niyang paninilbihan sa pamilya Tanglean, pinagbawalan umano siyang magkaroon ng komunikasyon sa kanyang mga magulang at lumabas ng bahay, iniiwan sa bahay ng walang makain at laging sinasaktan lalo na nina Aleta at mga anak nito.

Matatandang sinagip si Sollano ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at pulisya ng Quezon City kamakalawa makaraang ipagbigay alam sa kanyang mga magulang ng isang kasamahan ng biktima ang kalagayan nito.

Lumabas naming pinaniniwalaan na ng pamilya Sollano na patay na ang nasabing kasambahay dahil sa tagal ng kawalan ng kawalan ng kawalan ng komunikasyon sa pagitan nila.

Source:
Fred Cabalbag
Remate
Agosto 12, 2009
Page 2

0 comments:

Post a Comment