Pormal nang inihain sa pulisya kahapon ng dalawang housemaid ang kanilang mga reklamo laban sa isang Tsinoy na kapatid ni Lucio Tan na umano’y nagmaltrato sa kanila ng may ilang taon sa lungsod Quezon.
Pasado alas-10 ng umaga nang magsadya ang mga biktimang itinago sa pangalang Marie, 19 at Lucia, 18, sa tangagapan ng Women and Children Concerned Desk ng Laloma Station 1 ng QCPD kasama ang abogadong si Atty. Al Parreno para sa pormal na paghahain ng reklamo laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian, negosyante at residente ng #30 Sto. Domingo St., Bgy. Siena Biak na Bato ng naturang lungsod.
Ayon kay Parreno, kasong maltreatment at serious illegal detention ang inihain nilang reklamo laban sa nasabing pamilya bunga ng umanno’y naranasang trauma ng mga ito na hanggang ngayo’y dinaranas pa rin nila.
Idinagdag pa ng abogado na isinasailalim pa rin ang mga biktima sa psychological examination upang maging maayos ang kanilang pag-iisip bago harapin ang kanilang problema.
“Ang concerned lang naming ngayon ay maging maayos ang pag-iisip ng mga bata (mga biktima) kaya hindi muna natin pwedeng ipakausap kasi ayaw naming pabigla-bigla at sinuisiguro lang natin,” sabi pa ng abogado nang tanungin kung bakit ngayon lang naghain ng kaso. Magugunita na Agosto 10 nang sinagip ng pinagsanib na tropa ng WCCD, Commission on Human Rights at grupo ng mga abogado si Lucia matapos ipagbigay-alam ni Marie ang dinaranas nitong hirap sa kamay ng pamilya Tanenglian
Source:
Remate
Agosto 21, 2009
Page 3
0 comments:
Post a Comment