Friday, August 14, 2009

Negosyanteng inireklamo sa pagmamaltrato ng kasambahay pinatututukan sa PNP

Pinatutukan ni Sen. Jinggoy Estrada sa liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kasong isinampa laban sa maimpluwensiyang nagmaltrato ng katulong o kasambahay sa Quezon City.

Ayon kay Estrada, chairnan ng Senate committee on labor and employment, dapat imbestigahang mabuti ng PNP ang reklamong pangmamaltrato ng negosyanteng si Mariano Tanenglian.

Si Mary Jane Sollano ay nailigtas sa kamay ng pamilya Tanenglian sa joint operation ng PNP, Commission on Human Rights, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagbantang kakasuhan ni Sollano ang pamilya ni Tanenglian, kabilang ang reklamong pinagmalupitan at minaltrato ito ng kanyang amo sa mahigit limang taong paninilbihan.

Sa report, naging kasambahay ng pamilya Tanenglian si Sollano noong 13-anyos pa lamang ito, ayon kay Atty. Anna Marie Trinidad, abogado ng katulong.

Ayon kay Estrada, nakatutok ang taong bayan sa umano’y pagmamaltrato ng negosyante lalo pa’t nakabinbin sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Kasambahay Bill na magbibigay-proteksyon sa mga kasambahay o domestic helpers.

“Dapat mag-imbestigang mabuti ang PNP dahil helpless an gating mga kasambahay. Wala silang inaasahan kundi ang ating mga awtoridad,” ani Estrada, principal sponsor ng Kasambahay Bill.

Kinalampag ni Estrada ang mga alipores ni House Speaker Prospero Nograles, Jr., na madaliin ang pag-aapruba sa Kasambahay Bill upang magkaroon ng sandigan ang mga kasambahay o domestic helpers.

Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay nangakong personal na tutukan ang kaso ng katulong dahil malinaw anyang paglabag ito sa inisponsorang Kasambahay Bill.

Source:
Abante Tonite
Agosto 13, 2009
Page 3

0 comments:

Post a Comment