Wednesday, August 12, 2009

Bahay ng utol ni Tan, ni-raid

Nagtungo kahapon ang mga awtoridad sa bahay ng taipan na si Lucio Tan sa Quezon City kahapon ng tanghali para iligtas ang isang 18-anyos na katulong na umano’y minamaltrato ng hipag ni Tan at ang dalawang anak nito.

Sumugod ang mga operatiba ng Quezon City Police District, Commission on Human Rights at Department of Social Welfare and Development sa bahay ni Mariano Tan sa No. 30 Biak na Bato corner Dapitan St., Bgy. Sto Domingo, Quezon City dakong 11:30 ng umaga kahapon para kunin ang biktimang si Mary Jane Sollano.

Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, private legal counsel ng ama ng biktima, minamaltrato umano si Sollano ng hipag ni Lucio Tan na si Aleta at ng dalawang anak nito.

Base umano sa salaysay ng kasamahang katulong ni Sollano na nakatakas sa bahay mga Tan, ginugutom at hinid pinalalabas ng bahay ang biktima sa loob ng limang taon.

Source:
Samu’t Sari
Remate Tonight
Agosto 11, 2009

0 comments:

Post a Comment