Saturday, August 22, 2009

Utol ni Lucio Tan kinasuhan

Sinampahan na ng maltreatment at illegal detention ang sinasabing kaanak ni Lucio Tan na si Mariano Tanenglian dahil sa pang-aabuso sa kanyang dalawang kasambahay sa Quezon City.

Isinampa ang kaso laban kay Tanenglian, residente ng #30 Biak na Bato St., cor. Sto. Domingo, Sta. Mesa Heights, Quezon City, sa Quezon City Police District Station 1 sa Loma, ng dalawang kasambahay dakong 10 a.m. kahapon.

Nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang dalawang kasambahay, edad 18 at 19 anyos, kasama ng kanilang abogadong si Atty. Al Pareno.

Ayon kay Nena, 18-anyos, nagsimula siyang manilbihan sa pamilya Tanenglian nang siya’y 16-anyos pa lamang ngunit dumanas ng kalupitan sa kanyang amo hanggang sa siya’y mailigtas kamakailan ng mga awtoridad.

Samantala, si Baby, 19, ay nakatakas mula sa bahay ni Tanenglian at siyang nagsumbong sa himpilan ng pulisya hinggil sa pagmamaltrato ng kanilang amo.

Source:
Hataw!
Agosto 21, 2009
Page 2

0 comments:

Post a Comment