Naalarma na rin ang Senado sa tuamtaas na bilang ng mga maiimpluwensiyang negosyante sa bansa makaraang maiulat ang limang taong pagmamaltrato ng among Tsinoy sa 18 anyos na kasambahay.
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat tuluyan nang magkaroon ng batas na magiging sandigan ng mga pobreng kasambahay sa bansa.
Dapat din umanong malaman kung bakit may mga among nakukuhang manakit ng kanilang kasambahay na marapat lang na ituring na bahagi ng bawat pamilya sa isang tahanan.
Matatandaan na mismong si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang nanawagan sa pamunuan ng Philippine National Police na tutukang mabuti ang kasong isasampa laban sa pamilya ng negosyanteng si Mariano Tanenglian base na rin sa sumbong ng kasambahay na si Mary Jane Sollano.
Si Estrada ang may akda ng Kasambahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na proteksiyon ang mga tinaguriang ‘bayani ng tahanan.’
Source:
Remate
Agosto 14, 2009
Page 5
0 comments:
Post a Comment