Sinampahan ng mga kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang kapatid ni bnusiness tycoon Lucio Tan at pamilya nito dahil sa umano’y pagmamaltrato sa kanilang katulong.
Makaraang personal na nagtungo sa DOJ upang sampahan ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery and frustrated homicide ang biktimang si Beth (hindi tunay na pangalan), 18-anyos upang ireklamo si Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta, mga anak na si Maximillian at Fayette Tanenglian na pawang mga residente ng No. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts., Brgy. Siena, Quezon City.
Batay sa reklamo ng biktima, nagsimula siyang manilbihan sa pamilya Tanenglian noong June 2004 ng siya ay 13-taong gulang pa lamang kung saan kaagad umano siyang tinuruan ng gawaing bahay ni Alete at Fayette.
Natapos lamang umano ang paghihirap ng biktima nang makatakas ang isang kasambahay ng pamilya Tanenglian na siyang nagsumbong sa ama nito na siya namang humingi ng tulong sa human rights at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Source:
X-Files
Agosto 28, 2009
Page 2
0 comments:
Post a Comment