Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay si Lucio Tan sa Quezon City kahapon upang iligtas ang isang 18-anyos kasambahay na sinasabing minamaltrato ng hipag ng negosyante at dalawa niyang mga pamangkin.
Kasama ang mga operatibo ng Quezon City Police District (QCPD), Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), tinungo ng ama ng biktimang si Mary Jane Sollano at ng kanilang abogado si Atty. Melanie Trinidad, ang bahay ni tan sa #30 Biak na Bato corner Dapitan streets, Bgy. Sto. Domingo, Quezon City dakong 11:30am kahapon.
Gayunman, nabigong makuha ng mga awtoridad ang kasambahay dahil hindi sila pinapasok sa loob ng bahay ni Tan.
Si Sollano ay kasambahay ng kapatid ni Tan na si Mariano Tan.
Nauna rito, inihayag ng isang kasambahay na tumakas mula sa bahay ng negosyante, na minamaltrato sila ni Aleta Tan, asawa ni Mariano, at ng dalawang anak.
Hindi anila sila pinapakain, hindi pinalalabas ng bahay at ikinulong sa loob ng limang taon.
Sinabi ni Atty. Trinidad, maaring maharap ang hipag ni Tan at mga pamangkin sa kasong illegal detention at child abuse dahil sa nasabing reklamo.
Source:
A. Agustin
Hataw!
Agosto 11, 2009
0 comments:
Post a Comment