Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kidnapping, serious illegal detention, 8 counts ng kasong child abuse at anti-trafficking laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, asawa niti at dalawang anak sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Nag-ugat ang kaso matapos nakasuhan ang pamilya Tanenglian ng kanilang dating katulong na si Mary Jane Sollano, 19, nang pagmamaltrato, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide.
Batay sa 17 pahinang resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief State prosecutor Jovencito Zuno sinabi nito na 8 bilang ng child abuse at kasong kidnapping ang isinampa sa pamilya dahil na rin sa napatunayan na 13-anyos pa lamang si Sollano nang irecruit ito ng pamilya at gawing katulong sa kanilang bahay sa #30 Biak na Bato st. Quezon City, mula umano nang mamasukan ang biktima ay pinayagan na makalabas ng bahay at makipag-ugnayan sa kanyang pamilya.
Maliban ditto ay nakatanggap din ng pisikal na pang-aabso ang biktima, hindi pagbibigay ng tamang pagkain gayundin ay may insidente na kinuhaan ito ng hubo’t hubad nang mahuli na nang-uumit ng pagkain mula sa refrigerator.
Kinatigan din ng DOJ ang Testimonya ng ama ng biktima na nagsabing hidi niya nakita ang anak simila taong 2004 at nalaman lamang ang kinasasapitan ng anak nag ipagtapat ng isa pang katulong ng pamilya Tanenglian na nakatakas ang ginagawang pagmamaltrato sa biktima. Kasunod na nito ang ginawang pagrerescue kay Sollano.
Gemma Amargo-Garcia
Pilipino Star Ngayon (Page 3)
Enero 15, 2010

0 comments:
Post a Comment