Friday, January 22, 2010

Isa pang criminal complaint sa negosyante, pinaboran ng DOJ

Pinaboran ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng isa pang criminal complaint laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, may bahay nito at dalawang anak kaugnay ng reklamong umano’y pagmaltrato at serious illegal detention ng isa pang katulong.

Sa 10 pahinang resolusyon na inaprubahan ni Chief Stae Prosecutor Jovencio Zuno, sinabi ng DOJ na may probable cause upang ihabla si Tanenglian, may bahay nitong si Aleta at mga anak na sina Maximillian at Fayette sa kasong kidnapping, serious illegal detention, violation of R.A.9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) at nine counts ng child abuse o paglabag sa R.A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Sa pag-establisa ng paglabag sa child abuse law, binigyang bigat ng investigating fiscals mula sa Force on Women and Children Protection ng departamento ang testimonya ng complainant na si Aljane Bacanto na dumanas umano siya sa kalupitan, abusing pisikal “and had been subjected to conditions prejudicial to her normal development as a child” nang magsimula umano siyang magtrabaho sa bahay ng Tanenglians” noong Mayo 2006, 16-anyos palang siya, hanggang Enero noong nakaraang taon.

Sa aspeto ng human trafficking, nakakita umano ang DOJ ng merito sa alegasyong slavery, na mahalagang elemento umano ng kaso.

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamong frustrated homicide laban sa mga ito.

Abante Tonight, Pahina 3
Enero 21,2010

0 comments:

Post a Comment