Saturday, January 16, 2010

Tanenglian, et al kinasuhan

Sinampahan kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court ng patung-patong na kaso ang negosyanteng si Mariano Tanenglian at ang pagmamaltrato sa kanilang kasambahay.

Si Tanenglian, ang sawa nitong si Aleta at mga anak na sina Fayette at Maximillian ay kinasuhan ng DOJ ng kidnapping, serious illegal detention, 8 bilang ng child abuse at paglabag sa Anti-Trafficking in Persons matapos makakita ng probable cause sa reklamong isinampa ng kanilang kasambahay na si Mary Jane Sollano, 19 anyos.

Sa 17 pahinang resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencio Zuno, Sinabi nito na 8 bilang ng child abuse at kasong kidnapping ang isinampa sa pamilya dahil na rin sa napatunayan na 13-anyos pa lamang si Sollano nang i-recruit ito ng pamilya at gawing katulong sa kanilang bahay sa 30 Biak na Bato St., QC. Mula umano ng mamasukan ang biktima ay hindi ito pinayagang makalabas ng bahay at makipag-ugnayan sa kanyang pamilya.

Maliban ditto ay nakatanggap din ng pisikal na pang-aabuso ang biktima mula sa pamilya kabilang dito ang pananakit sa konting pagkakamali, ‘di pagbibigay ngtamang pagkain gayundin ay may insidente na kinuhaan ito nang hubo’t hubad nang mahuling nang-uumit ng pagkain ula sa refrigerator.

Kinatigan din g DOJ ng testimonya ng ama ng biktima na nagsabing hindi niya nakita ang anak simula taong 2004 at nalaman lamang ang kinasapitan ng anak nang ipagbigay-alam sa kanila ng pamilya Tanenglian na nakatakas, ang ginagawang pagmamaltrato sa biktima.

Bunga nito ay nakipagkoordina ang pamilya Sollano sa Quezon City Police, Commission on Human Rights (CHR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan isang rescue operation ang isinagawa sa tirahan ng mga Tanenglian noong Agosto 2009.


Tina Mendoza
Abante, Pahina 6
Enero 15,2010

0 comments:

Post a Comment