Saturday, January 16, 2010

Tanenglian pinakasuhan ng DOJ

INEREKOMENDA na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kidnapping, serious illegal detention, 8 counts ng kasong child abuse at Anti-trafficking laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, asawa nito at dalawang anak sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Nag-uagat ang kaso matapos na kasuhan ang pamilya Tanenglian ng kanilang dating katulong na si Mary Jane Sollano, 19 anyos na inakusahan ang mga ito ng pagmamaltrato, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide.

Batay sa 17 pahinang resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief Sate Prosecutor Jovensito Zuno sinabi nito na 8 bilang ng child abuse at kasong kidnapping ang isinampa sa pamilya dahil na rin sa napatunayan na 13 anyos pa lamang si sollano nang i-recruit ito ng pamilya at gawing katulong sa kanilang bahay sa No. 30 Biak na Bato St. Quezon City, mula umano nang mamasukan ang biktima ay hindi ito pinayagan na makalabas ng bahay at pakipag-ugnayan sa kanyang pamilya.

Maliban ditto ay nakatanggap din ng pisikal ng pang-aabuso ang biktima mula sa pamilya kabilang ditto ang pananakit sa kaunting pagkakamali, hindi pagbibigay ng tamang pagkain gayun din may insidente na kinuhaan ito ng hubo’t hubad nang mahuli na nag-uumit ng pagkain mula sa refrigerator.

Nang ma-rescue ay isiniwalat ni Mary Jane ang mapait na sinapit sa pamilya Tanenglian at bagama’t tinangkang suhulan ng kanyang mga amo ay itinuloy pa rin na ireklamo ang mga ito.


Police Files, Page 2
Enero 15, 2010

0 comments:

Post a Comment