Isa pang kaso ng illegal detention at serious physical injuries ang isimampa ng isang housemaid laban sa negosyanteng amo nito.
Sa kasong isinampa sa Department od Justice (DOJ), inakusahan ng complainant na si Gina Renacia, 33-anyos, ang among si Mariano Tan kapamilya nitong sina Aleta, Adeline at Junjun Tan ng kasong pang-aabuso.
“It appears that hereinb victim Renacia, then 15-year old minor, was formerly employed as housemaid at the residence of the afore-named respondents. Investigation disclosed that sometime in Nov. 1992, victim Renacia, while working as ‘kasambahay’ at the said abode, suffered phtsical and mental abused from the afore-named respondents there-by causing physical and emotional districts upon her person,” nakasaad pa sa reklamo.
Nagasampa ng reklamo si Renacia kay SPO1 Florence A. Constanilla ang PNP Women’s Desk.
Ayon sa biktima, maraming beses siyang sinaktan ng kanyang amo, kinalbo ang kanyang ulo at pinagsasampal kapag nakakagawa ng mali. Plinantsa umano ni Aleta ang likod ng biktima noong Nobyembre 1992 at siya’y nagpagamot sa Philippine General Hospital.
Samantala, dalawang dating katulong ni Mariano Tanenglian, kapatid ni business tycoon Lucio Tan, ang nauna nang nagsampa ng reklamo ng illegal detention at physical injuries laban sa kanilang employer, sa Quezon City police.
Isa sa mga biktimang sina Mary Jane Sollano, 18, tubong Zamboanga del Sur at Aljane Bacanto, 19, ng Leyte, ay nagtungo sa QCPD kasama ang abogadong si Al Parreno upang ireklamo ang among si Tanenglian, ang asawa nito at dalawang anak.
Limang taong nanilbihan si Sollano sa Tanenglian habang si Bacanto ay tatlong taong namasukan.
Nakatakas si Bacanto at mabilis na isinumbong sa pamilya ni Sollano ang isinapit nila. Humingi naman ng tulong ang pamilya Sollano sa Department of Social Wefare and Development (DSWD).
Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, sa pakikipagnegosasyon sa pagpalaya kay Sollano, kinausap siya at ang ama na si Sollano ng Tanenglian family counsel na pumirma ng waiver na hindi sila magsasampa ng kaso.
Ang nasabing kaso ay hinanhawakan ngayon ni Parreno ng Diaz, parreno and Caringal Law Office bagama’t tumutulog pa rin si Atty. Trinidad.
Ayon kay parreno, ilang kaso na ang hinahawakan niya mula sa station 1 at siya’y nag-volunteer ng kanyang serbisyo sa mga biktimang kasambahay na ngayon ay sumasailalim sa counseling sa pamamagitan ng Kaisa Foundation ni Teresita Ang See na tumutulong sa mga battered women.
Abante Tonight, Pahina 2
Disyembre 7, 2009

0 comments:
Post a Comment