Tuesday, December 8, 2009

Maid kinalbo, plinantsa ng amo

Kalunus-lunos ang sinapit ng isang kasam­bahay dahil bukod umano sa labis na pag­ma­mal­trato sa kanya ng pamilya ng bilyonar­yong Intsik, kinalbo pa ang buhok nito saka plinantsa ang liku­rang bahagi ng katawan.

Ang biktima, si Gina Renacia, 33, ay pormal na nagharap ng sum­bong sa Department of Justice, laban sa bilyo­naryong akusado na si Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta Ade­line at anak nilang si Junjun Tanenglian.

Nabatid na ang bik­timang si Renacia ay dumanas ng pisikal at mental na pag-abuso mula sa mga nabanggit na amo nang siya ay namamasukan bilang katulong noong Nob­yembre 1992, at siya ay 15-anyos pa lamang.

Unang idinulog ang reklamo sa Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa sinapit ng biktimang dati pang menor de edad, ang pa­na­nakit sa kanyang kata­wan, sinasampal sa tu­wing may pagkakamali at pinupwersang kalbu­hin ang sarili at ang pag-paso sa kaniyang likod ng ma­ init na plantsa hang­­gang sa maospital siya sa PGH.

Kung matatandaan, dalawa pang kasam­bahay ang nagharap ng sum­bong sa Quezon City Police laban sa pa­milya Ta­neng­lian dahil umano sa pang-aabuso at pang­ma­maltrato ng mga ito sa kanila.

Ang isa sa mga ka­sam­bahay ay tumakas sa pa­milya Tanenglian, ha­bang ang isang bik­tima naman ay ni-rescue sa mansiyon ng mga Tan sa #30 Biak na Bato St., corner Dapi­tan St., Sto. Do­mingo, Q.C.

Nauna nang nagha­rap ng pormal na sum­bong ang dalawang bik­tima na tinukoy sa pa­ngalang Mary Jane Sol­lano, 18, tubong Zam­bo­anga del Sur, at Aljane Bacanto,19, mula sa Leyte.

Si Sollano ay may limang taon nang nanil­­bihan bilang kasam­bahay habang si Bacanto na­man ay may tatlong taon nang nama­sukan dito.

Ang mga biktima ay nasa ilalim ngayon ng ‘counseling’ sa tulong ng Teresita Ang See’s Kaisa Foundation.

Source:
Nina Butch Quejada at Ludy Bermudo, Pilipino Star Ngayon. (Taon XXIV Blg. 261) Published December 07, 2009. Retrieved from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=530113&publicationSubCategoryId=93

0 comments:

Post a Comment