Tuesday, December 8, 2009

Isa pang maid nagreklamo vs Mariano Tanenglian

Isa pang kaso ng illegal detention at serious physical injuries ang isinampa ng isang housemaid laban sa negosyanteng amo nito.

Sa kasong isinampa sa Deparment of Justice (DOJ), inakusahan ng complainant na si Gina Renacia, 33-anyos, ang among si Mariano Tan at kapamilya nitong sina Aleta, Adeline at Junjun Tan ng kasong pang-aabuso.

“It appears that herein victim Renacia, then 15-year old minor, was formerly employed as housemaid at the residence of the afore-named respondents. Investigation disclosed that sometime in Nov. 1992, victim Renacia, while working as ‘kasambahay’ at the said abode, suffered physical and mental abused from the afore-named res­pondents thereby causing physical and emotional districts upon her person,” nakasaad pa sa reklamo.

Nagsampa ng reklamo si Renacia kay SPO1 Flo­rence A. Costanilla ng PNP Women’s Desk.

Ayon sa biktima, maraming beses siyang sinaktan ng kanyang mga amo, kinalbo ang kanyang ulo at pinagsasasampal kapag nakakagawa ng mali.
Pinlantsa umano ni Aleta ang likod ng biktima noong Nobyembre 1992 at siya’y nagpagamot sa Phi­lippine General Hospital.

Samantala, dalawang dating katulong ni Mariano Tanenglian, kapatid ni business tycoon Lucio Tan, ang nauna na ring nagsampa ng reklamo ng illegal detention at physical injuries laban sa kanyang employer, sa Quezon City police.

Isa sa mga biktimang katulong ang nakatakas habang na-rescue ng mga awtoridad ang kasama nito noong Agosto 10 mula sa bahay ng Tanenglian sa #30 Biak na Bato kanto ng Dapitan St., Sto. Domingo Village.

Ang mga biktimang sina Mary Jane Sollano, 18-anyos, na tubong Zamboanga del Sur at Aljane Bacanto, 19, ng Leyte, ay nagtungo sa QCPD kasama ang kanilang abogadong si Al Parreno upang ireklamo ang among si Mariano kasama ang asawa nito at dalawang anak.
Limang taong nanilbihan si Sollano sa Tanenglian family habang si Bacanto ay tatlong taon nang namamasukan.

Ayon sa mga biktima, sila ay minaltrato, hindi binabayaran ng sweldo at pinagbabawalang lumabas ng bahay.

Nagawang makatakas ni Bacanto at mabilis na isinumbong sa pamilya ni Sollano ang sinapit nila.

Agad naman na humi­ngi ng tulong ang pamilya Sollano sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, sa pakikipagnegosasyon sa pagpapalaya kay Sollano, kinausap umano siya at ang ama ni Sollano ng Tanenglian family counsel na pumirma ng waiver na hindi sila maghaharap ng kaso laban sa kanila (Tanenglian).

Ang nasabing kaso ay hinahawakan ngayon ni Parreno ng Diaz, Parreno and Caringal Law Office bagama’t tumutulong pa rin si Atty. Trinidad.
Ayon kay Parreno, ilang kaso na ang hinawakan niya mula sa Station 1 at siya’y nag-volunteer ng kanyang serbisyo sa mga biktimang kasambahay na ngayon ay sumasailalim sa counseling sa pamamagitan ng Kaisa Foundation ni Teresita Ang See na tumutulong sa mga battered women.

Source:
Abante Tonite (Vol XXI Blg 310 p. 2) Published December 7, 2009
Abante (Vol. XXII Blg. 216 p. 6)Published December 7, 2009. Retrieved from
http://www.abante.com.ph/issue/dec0709/crimes03.htm

0 comments:

Post a Comment