Tuesday, December 8, 2009

Katulong kinalbo na plinantsa pa Kaso ulit vs Tsinoy

Isa pang kasambahay ang pormal na nagharap ng sumbong kahapon laban sa bilyonaryong Intsik na si Mariano Tanenglian at sa pamilya nito na nauna nang ipinagharap sa sakdal ng dalawa pa nilang kasambahay kama-kailan.
Ang masakit nito, ang ikatlong biktima ay hindi lang dumanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, kundi kinalbo pa ang buhok nito, saka plinantsa ang likurang bahagi ng katawan.

Ang ikatlong biktima, si Gina Renacia, 33, ay pormal na nagharap ng sumbong sa Department od Justice, laban sa bilyonaryong akusado na si Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta Adeline at anak nilang si Junjun Tanenglian.
“It appears that herein victim Renacia, then a 15-year old minor, was formerly employed as housemaid at the residence of the afore-named respondents. Investigation disclosed that sometime in November 1992, victim Renacia, while working as “kasambahay” at the said abode, suffered physical and mental abused from the afore-named respondents thereby causing physical and emotional distress upon her person.” Sabi sa laman ng sumbong.
Si Renacia ay nagbigay rin ng salaysay kay SPO1 Florence A. Costanilla ng Women’s Desk.

Ayon sa sumbong, matagal nang naninilbihan bilang kasambahay ang biktima sa pamilya Tanenglian at sa tuwing nagkakamali umano ito sa gawaing bahay, sinasampal siya ng mga ito sa magkakahiwalay na pahkakataon at kung minsan ay kinakalbo rin ang kanyang ulo.

November 1992, ayon pa sa biktima, nang pasuin ng plantsa ni Mrs. Tanenglian ang likod ng biktima dahilan para isugod siya sa Philippine General Hospital.
Matatandaan na dalawa pang kasambahay ang nagharap ng sumbong sa Quezon City police laban sa pamilya Tanenglian dahil sa pang-aabuso at pangmamaltrato ng mga ito sa kanila.

Si Mariano, ay kapatid ng business tycoon na si Luco Tan isa rin ito sa sinasabing isa sa 20 pinaka mayamang tao sa bansa.

Ang isa sa mga kasambahay ay tumakas sa pamilya Tanenglian, habang ang isang biktima naman ay ni-rescue sa mansiyon ng mga Tan sa #30 Biak na Bato St., corner Dapitan St., Sto. Domingo ng nasabing lungsod.

Nauna nang nagharap ng pormal na sumbong ang dalawang biktima na tinukoy sa pangalang Mary Jane Sollano, 18, tubong Zamboanga del Sur, at Aljane Bacanto, 19, mula sa Leyte.
Sila ay sinamahan ng abogadong si Al Parreno sa QCPD station 1 para ipagharap ng sakdal ang pamilya Tanenglian.

Si Sollano ay may limang taon nang naninilbihan bilang kasambahay ng pamilya Tanenglian, habang si bacanto naman ay may tatlong taon nang namasukan bilang ‘maid’ ng mga suspek.

Ang magulang ni Sollano ay nagpasaklolo na rin sa Commission on Human Rights at sa Department of Social Welfare and Development.

Sinabi naman ni Atty. Parreno ng Diaz, Parreno, and Caringal Law Office na personal niyang hinawakan ang kaso ng mga biktima dahil marami na umano siyang nahawakang kaso mula sa QCPD station 1.

Ang abogado, ang mga biktima ay nasa ilalim ngayon ng ‘counseling’ sa tulong ng Teresita Ang See’s Kaisa Foundation na may adbokasiyang tulungan ang mga inaabusong kababaihan sa bansa.


Remate, Pahina 5
Disyembre 7, 2009

0 comments:

Post a Comment