PANIBAGONG kaso ng pagmamaltrato at pang-aabuso ang isinampa ng isa pang kasambahay ng bilyonaryong Intsik at sa pagkakataong ito, ang pinakahuling biktima ay kinalbo ang buhok at pinaso pa ng plantsa ng kaawa-awang biktima.
Ang Kasambahay, si Gina Renacia, 33, ay pormal na nagharap ng sumbong sa Department of Justice, laban sa bilyonaryong akusado na si Mariano Tan, asawa notong si Aleta Adeline at anak nilang si Junjun Tan.
Si Renacia ay nagbigay din ng salaysay kay SPO1 Florence A. Costanilla ng PNP Women’s Desk.
Ayon sa sumbong, matagal nang naninilbihan bilang kasambahay ang biktima sa pamilya Tan at sa tuwing nagkakamali umano ito sa gawaing bahay, sinasampal siya ng mga ito sa magkakahiwalay na pagkakataon at kung minsan kinakalbo rin ang kanyang ulo.
November 1992, ayon pa sa biktima, nang pasuin ng plantsa ni Mrs. Tan ang likod ng biktima dahilan para isugod siya sa Philippine General Hospital.
Kung matatandaan, dalawa pang kasambahay ang nagharap ng sumbong sa Quezon City police laban sa pang-aabuso at pangmamaltrato ng mga ito sa kanila. Si Mariano, ay kapatid ng business tycoon na si Lucio Tan at isa rin ito sa sinasabing isa sa 20 pinaka-mayamang tao sa bansa.
Ang isa sa mga kasambahay ay tumakas sa pamilya Tan, habang ang isang biktima naman ay nirescue sa mansiyon ng mga Tan, sa #30 Biak na Bato St., corner Dapitan St., Sto.Domingo ng nasabing lungsod.
Nauna nang nagharap ng pormal na sumbong ang dalawang biktima na tinukoy sa pangalang Mary Jane Sollano, 18, tubong Zamboanga del Sur, at Aljane Bacanto, 19, mula sa Leyte. Sila ay sinamahan ng abogadong si Al Parreno sa QCPD station 1 para ipagharap ng sakdal ang pamilya Tan.
Anang abogado, ang mga biktima ay nasa ilalim ngayon ng ‘counseling’ sa tulong ng Teresita Ang See’s Kaisa Foundation na may adbokasiyang tulungan ang mga inaabusong kababaihan sa bansa.
Police Files, Pahina 2
Disyembre 7,2009

0 comments:
Post a Comment