Upang pagtibayin umano ang mga kaso laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, naghain na rin ng hiwalay na kaso ng pangmamaltrato ang isa pang kasambahay ng pamilya sa Department of Justice (DOJ).
Sa reklamo ni Aljane Bacanto, 19-anyos, tubong Leyte, sinabi nito na lumantad na rin siya at walang takot na haharapin ang dating mga amo upang makakuha ng hustisya mula sa pagmamalupit na naranasan nito sa pamilya kung saan ay nagka-trauma na ito at takot nang mamasukan muli.
Sa kanyang salaysay, sinabi nito, na namasukan siya sa pamilya Tanenglian noong Mayo 2006, noong una ay naging maayos umano ang pakikitungo sa kanya ng buong pamilya subalit nang lumipas na ang ilang araw ay saka niya nakita at naranasan ang pagmamalupit ng mga ito.
Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng kanyang mga dating amo ay ikinukulong siya sa kuwarto, hindi pinapakain ng maayos, hindi pinaaalis ng bahay, bawal ang day-off at madalas siyang pagbuhatan ng kamay sa kaunti lamang na pagkakamali.
Kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide ang inihain ni Bacanto sa DOJ laban sa pamilya Tanenglian.
Source:
Abante Tonite
September 9, 2009
Page 3

0 comments:
Post a Comment