Isa pang inabusong katulong ng pamilya Tanenglian ang pormal ding nagharap ng reklamong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide sa Department of Justice kahapon ng umaga.
Personal na naghain ng demanda ang biktimang si Aljane Bacanto, 19, tubong Leyte at namamasukan sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, kapatid ni Lucio Tan; Aleta Tanenglian, maybahay ni Mariano at mga anak na sina Maximilian at Fayette na nagmaltrato at nanakit sa kanya.
Sa unang mga araw lang umano naging maayos ang tratos sa kanya hanggang sa lumabas na ang tunay na ugali ng pamilya Tanenglian kung saan nakaranas siya ng pagmamalupit at hindi makataong trato.
Kabilang sa pagmamalupit na ginawa sa kanya ng mga dating amo ang pagkukulong sa kanya sa kuwarto, hindi pinakakain ng maayos at binubugbog din siya ng mag-iina.
Una nang naghain ng mga kasong kriminal laban sa nasabing pamilya ang 18-anyos na si Mary Jane Sollano, tubong Bigong Tigbao, Zamboanga del Sur, kaugnay sa pagmamaltrato, na naranasan sa loob umano ng limang taon mula Hunyo 9, 2004 nang siya’y 13 anyos pa lang hanggang Agosto 9, 2009.
Ilan pang respondents na hindi pinangalanan ang kasama sa inireklamo, bukod sa pamilya Tanenglian, na pawing residente ng no. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts., Sto. Domingo, Quezon City kung saan siya naging stay-in housemaid.
Natuldukan lang ang paghihirap ng biktima nang isa sa kasamahang katulong na nakatakas ay nagsumbong sa mga magulang ng biktima dahil sa pagkukulong sa kanya o hindi pinalalabas, hindi pinagagamit ng telepono o cellphone, hindi pinapanood ng telebisyon o kahit makipag-ugnayan sa magulang, hindi pinapakain at naisasalba lang ang sarili sa pamamagitan ng pagnanakaw niya (biktima) ng pagkain ng aso.
Bukod pa ito sa paglapastangan sa katawan ng biktima na madalas ay pinagtatrabaho nang nakahubad.
Binawlan din ang biktima na ‘tumawa’, umupo sa upuan ng mga amo, sumilip sa bintana, magbasa at magsulat.
Naranasan niya din ang sakalin, tadyakan sa katawan, iuntog sa pader sa kaunting pagkakamali sa trabaho kahit walang sweldo.
Nang magpaalam ay hindi pinayagan bagkus ay pinilit na pumirma sa bagong kontrata bilang katulong.
“Pinapasok ako nina Ate Aleta at Ate Fayette sa kuwarto, pinahuhubad ako ng damit pang-itaas, shorts, bra, panty, tapos kinukuhanan nila ako ng picture,” ayon sa salaysay ng biktima.
Nang magnakaw ng pagkain ng amo, nahuli umano siya at doon binuhusan ng mainit ang kamay at pati na rin ang pagtadyak sa katawan, sabunot, kinadena ang dalawang kamay patalikod at kinadena pati leeg.
Naging dahilan ito upang mai-rescue ang biktima s tulong ng Department of Social Welfare and Development, Commission on Human Rights at Laloma Police Station noong Agosto 10, 2009, dakong alas 11:30 ng umaga.
Source:
Remate
Setyembre 9, 2009
Page 5

0 comments:
Post a Comment