Iimbestigahan ng Commission on Human Rights ang umano’y pisikal at mental na pang-aabuso ng Chinese billionaire na si Mariano Tanenglian sa kanyang kasambahay.
Pag-aaralan din ng CHR kung hihilingin sa Bureau of Immigration (BI) na maglabas ito ng hold-departure order laban sa suspect, ayon kay Atty. Carmelita Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division. Ayon kay Rosete, sinisilip ng CHR ang anggulong paglabag sa karapatang pambata at child trafficking sa kaso ni Mary Jane Sollano, na nailigtas sa tahanan ni Tanenglian ng pinagsanib na puwersa ng CHR, Department of Social Welfare and Development at Quezon City Police District.
Ipinaliwanag ni Rosete na menor-de-edad pa lang si Sollano nang una itong kunin bilang katulong. Nang masagip, puro paltos ang mga kamay ni Sollano dahil sa mainit na tubig na ibinuhos ni Tanenglian. Nagsampa na si Sollano ng kasong kriminal na maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide sa Department of Justice (DOJ) laban kay Tanenglian, sa asawa at mga anak na sina Maximillian at Fayette.
Idinetalye ni Sollano kung paano umano siya dumanas ng pisikal at mental na pang-aabuso mula sa pamilya Tanenglian sa kanilang tahanan sa Bgy. Siena sa Quezon City mula July 2004 hanggang Aug. 10 ng taong ito.
Ayon kay Sollano, pinagbawalan siya at iba pang kasambahay na gumamit ng telepono, cellphone, tumawa, maupo sa mga upuan ng pamilya, tumingin sa labas ng bintana, manood ng TV, kuamin ng anumang oras, matulog at magpahinga.
Source:
Bansa Ngayon
Pilipino Star Ngayon
Setyembre 1, 2009
Page 2

0 comments:
Post a Comment