Thursday, September 10, 2009

1 pang maid na minaltrato lumutang

Isa pang kasambahay ng bilyonaryong Tsinoy ang naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pagmamaltrato din sa kanya.

Sa inihaing reklamo ni Aljane Bacanto, 19, tubong Leyte, sinabi nito na nakaranas din siya ng pambubugbog sa pamilya ni Mariano Tanenglian.

Sa kanyang salaysay sinabi nito na namasukan siya sa pamilya Tanenglian noong 2006, noong una ay naging maayos umano ang pakikitungo sa kanya ng buong pamilya subalit nang lumipas na ang ilang araw ay saka niya nakita at naranasan ang pagmamalupit ng mga ito. Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng kanyang mga dating amo ay ang pagkukulong sa kanya sa kwarto at hindi pinapakain ng maayos.

Kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide ang inihain ni Bacanto.

Matatandaan na una nang naghain ng parehas na reklamo sa DOJ ang isa pang kasambahay ng pamilya Tanenglian na itinago sa pangalang Beth, 18-anyos.
Si Beth ay una nang nasagip sa tahanan ng pamilya Tanenglian sa Brgy Siena Quezon City matapos na ipagbigay-alam ni Aljane sa pamilya nito ang nararanasang pagmamalupit.

Nakipagkoordina ang pamilya ni Beth sa mga awtoridad at isang operasyon ang inilunsad kung saan ito nasagip. Kapwa desidido ang dalawang biktimang katulong na ituloy ang kaso laban sa kanilang mga amo.

Source:
Pilipino Star Ngayon
Setyembre 9, 2009
Page 3

0 comments:

Post a Comment