Upang pagtibayin umano ang patung-patong na kaso laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, naghain na rin ng hiwalay na kaso ng pangmamaltrato ang isa pang kasambahay ng pamilya sa Department of Justice (DOJ).
Sa reklamo ni Aljane Bacanto, 19-anyos, tubong Leyte, sinabi nito na lumantad na rin sya at walang takot na haharapin ang dating mga amo upang makakuha ng hustisya mula sa pagmamalupit na naranasan nito, aniya, sa pagmamaltrato na kanyang natanggap sa pamilya ay nagka-trauma na ito at takot nang mamasukan muli.
Sa kanyang salaysay, sinabi nito na namasukan siya sa pamilya Tanenglian noong Mayo 2006, noong una ay naging maayos umano ang pakikitungo sa kanya ng buong pamilya subalit nang lumipas na ang ilang araw ay saka niya nakita at naranasan ang pagmamalupit ng mga ito.
Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng dating mga amo ay ikinukulong sa kuwarto, hindi pinapakain ng maayos, hindi pinaaalis ng bahay, bawal ang day-off at sinasaktan sa konting pagkakamali.
Kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide ang inihain ni Bacanto sa DOJ laban sa pamilya Tanenglian.
Matatandaan na una nang naghain ng parehas na reklamo sa DOJ ang isa pang kasambahay ng pamilya Tanenglian na si Mary Jane Solano Dequit, tubong Bigong Tigbao, Zamboanga Del Sur.
Source:
Abante
Setyembre 9, 2009
Page 3

0 comments:
Post a Comment