Thursday, September 10, 2009

1 pang kasambahay nagreklamo sa DOJ

Nagreklamo sa Department of Justice ang isa pang kasambahay ng negosyanteng si Mariano Tanenglian ng umano’y pagmamaltrato.

Personal na naghain ng reklamo si Aljane Bacanto, 19, tubong Leyte at namamasukan sa pamilya Tanenglian (kapatid ng Taipan na si Lucio Tan); at Aleta, maybahay ni Mariano.

Sinabi ni Bacanto na sa unang mga araw lamang umano naging maayos ang trato sa kanya, hanggang sa lumabas ang tunay na ugali ng pamilya at naranasan niya ang umano’y pagmamalupit at di makataong pagtrato.

Sinabi ni Bacanto na ikinulong siya ng kanyang mga amo sa kwarto, hindi pinakakain ng maayos at binubugbog pa.

Unang nagsampa ng kasong kriminal sa pamilya Tanenglian si Mary Jane Sollano, 18, tubong Bigong, Tigbao, Zamboanga del Sur. Ayon kay Sollano, minaltrato siya sa loob ng limang taon, nang siya ay 13-anyos pa lamang. Naganap umano ito simula Hunyo 9, 2004 hanggang Agosto 9, 2009.

Ilan pang respondents na hindi pinangalanan ang kasama sa inireklamo, na mga residente ng Biak na Bato corner Dapitan sa Santo Domingo, Quezon City.

Source:
Bandera
September 9, 2009
Page 4

0 comments:

Post a Comment