Thursday, September 10, 2009

Tanenglian kinasuhan ng isa pang kasambahay

Nagtungo kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang isa pang kasambahay ng negosyanteng si Mariano Tanenglian, kapatid ng negosyanteng si Lucio Tan, at pormal na naghain ng reklamo laban sa umano’y pagmamaltrato sa kanila ng kanilang amo.

Batay sa inihaing reklamo ni Aljane Bacanto, 19, tubong Leyte, sinabi nito na nakaranas umano sila ng pagmamalupit at pambubugbog mula sa pamilya Tanenglian mula nang mamasukan noong 2006.

Noong una aniya ay naging maayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanya ngunit sa paglipas ng mga araw ay nag-iba na umano ang pagtrato ng mga ito sa kanya.
Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng kanyang mga dating amo sa kanya ay ikinukulong sa kwarto, at hindi pinapakain ng maayos.

Kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide ang inihain ni Bacanto laban sa pamilya Tanenglian.

Una nang naghain ng katulad na reklamo sa DOJ ang isa pang kasambahay na si Beth, 18, tubong Bigong Tigbao, Zamboanga del Sur, at nagsampa ng kasong maltreatment, slavery, serious illegal detention at frustrated homicide laban sa pamilya Tanenglian.

Kabilang sa mga kinasuhan nito ay sina Mariano, asawa nitong si Aleta, at mga anak na si Maximilian at Fayette Tanenglian, na pawang mga residente ng No. 30 Biak na Bato corner Dapitan Sts. Brgy. Siena, Quezon City.

Source:
Police Files
September 9, 2009
Page 2

0 comments:

Post a Comment