Wednesday, September 2, 2009

HDO vs nang-aabuso sa kasambahay pinag-aaralan

Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng masusing imbestigasyon ukol sa umano’y pisikal at mental na pang-aabuso ng Chinese billionaire sa kanyang kasambahay.

Kasabay ng imbestigasyon ay pag-aaralan ng CHR kung hihilingin sa Bureau of Immigration (BI) na maglabas ito ng hold-departure order laban kay Mariano Tanenglian, ayon kay Atty. Carmelita Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division.

Ayon kay Rosete, sinisilip ng CHR ang anggulong paglabag sa karapatang pambata at child trafficking sa kaso ni Mary Jane Sollano, na nailigtas sa tahanan ni Tanenglian ng pinagsanib na puwersa ng CHR, Department of Social Welfare and Development at Quezon City Police District.

Nagsampa na si Sollano ng kasong kriminal na maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide sa Department of Justice (DOJ) laban kay Tanenglian, sa asawa at mga anak.

Kasama sa complaint ng bikitma ang affidavits mula sa kapulisan, Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development at iba pang tao na naroon nang iligtas si Sollano.

Source:
Abante Tonite
September 1, 2009
Page 8

0 comments:

Post a Comment