Paano mo nga ba naming ipaliliwanag ang animo’y pamimilit sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na aksiyunan ang kahilingan ni Tanenglian na pakikipagkooperasyon sa kaukulang ahensiya ng gobyerno kapalit ng kanyang ‘civil at criminal immunity’.
Sa madaling salita, nais ng mamang ito na tumayong state witness laban sa kanyang nakatatandang kapatid. Kaya lamang malamig ang tugon ng gobyerno sa kanyang ideya.
At ang lumalabas, napagkaisahang ang problema ay mareresolba sa pagitan mismo ng magkapatid.
Na ang gobyerno ay nawalan na ng interes sa kaso ay masasabing bunsod ng pagtanggi ng PCGG na ikonsidera ang alok ni Tanenglian. Ang kaso ay na-docket bilang Republic of the Philippines vs Lucio Tan et al (Civil Case 005) sa Sandiganbayan Fifth Division.
Sa paghingi ng immunity, si Tanenglian sa pamamagitan ng kanyang mga abogado mula sa Azura Quiroz & Campos ay tinukoy ang Executive Orders 1, 2, 14 at 14-A at ang mga kaukulang pahayag ng Korte Suprema hinggil sa nasabing bagay.
Sa pakikipagpulong kay PCGG Chairman Camilo Sabio, sinabi nina Commissioners Ricardo Abcede, Tereso Javier at Narciso Nario, PCGG staff at mga kinatawan ng Tanggapan ng Solicitor General noong July 18, si Tanenglian sa pamamagitan ng kanyang abogado ay nagmanipesto ng pagnanais na makipagtulungan sa Republika, sa harap ng pagrepaso ng Republika sa Case np. 005, kaugnay ng pagkakaloob ng civil at criminal immunity kay Tanenglian at sa kanyang pamilya.
Isang draft ng panukalang immunity agreement and isinumite sa nasabing pulong.
Napagkasunduan na ang pakikipagtulungan ni Tanenglian ay mahalaga upang ganap na maestablisa ang habol ng Republika sa Case no. 005 at malaki ang maitutulong sa tagumpay na prosekusyon ng kaso.
At sa kasong ito, sinabi ng mga abogado ni Tanenglian na mahalaga ang oras.
Gayunman, hanggang sa ngayon, matapos ang isang buwan, ang alok na kooperasyon at hinihinging immunity ni Tanenglian ayon sa kanyang law firm ay hindi pa inaaksiyunan.
Kaya naman humihirit ito sa Komisyon na aksiyunan na ang naturang request sa lalong madaling panahon.
Pero sa patuloy na kawalang aksiyon ng PCGG lumalabas na hindi ito kumbinsido.
Naniniwala kaming dapat ay maramdaman ito ng petitioner at pabayaan na lamang ito.
Source:
Taliba
Agosto 29, 2009
Page 5